
Nakakatuwa na makasama at makakwentuhan ang ating mahuhusay na Taekwondo athletes.
Hindi lang sila nag-uwi ng medals at achievements, kundi nagbigay din ng inspirasyon sa mga kapwa kabataan at Rizalenyo athletes na nangangarap din ng tagumpay. Sa murang edad pa lang, grabe na ang dedikasyon at pusong ipinapakita nila para sa kanilang larangan. Kaya naman super deserve nila ang ating pagkilala at munting incentives bilang pasasalamat sa kanilang sipag at sakripisyo.
Congratulations, champions! Taas-noo ang buong Rizal sa inyong tagumpay!
#LalawiganNgRizal
#TaasNooRizalenyo