Good news muna para sa mga beneficiaries ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD). Sa Morong Municipal Gym, nasa 60 na masisipag na manggagawa mula Morong, Pililla, at Jalajala ang nakatanggap ng PHP 5,600 bilang kanilang TUPAD payout — dagdag ginhawa at tulong sa mga kababayan nating panandaliang nawalan ng kabuhayan.
Nagpapasalamat tayo sa DOLE sa kanilang suporta para sa ating mga Rizalenyo. Oh diba, kapag nagtutulungan, ramdam agad ang malasakit. Kaya congrats at ingat sa paggastos, mga ka-TUPAD!
#TUPADPayout
#LalawiganNgRizal
#TaasNooRizalenyo