Responsive image

Ceremonial Awarding of Housing Units

Bagong Tahanan, Bagong Pag-Asa

Napuno ng saya at sigla ang ginanap na Ceremonial Awarding of Housing Units para sa mga beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Abuab Towers, Brgy. Guitnang Bayan II, San Mateo. Ito ay sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Deveopment at ng Department of Human Settlements and Urban Development, katuwang ang ating lokal na pamahalaan.

Nasa 64 na pamilya ang mabibigyan ng bagong simula tungo sa mas ligtas at maayos na pamumuhay. Taos-puso ang ating pasasalamat sa walang sawang suporta nina DSWD Sec. Rex Gatchalian, DHSUD Sec. Jose Ramon Aliling, Mayor Omie Rivera ng San Mateo, at lahat ng ating mga naging katuwang para maisakatuparan ito.

Enjoy your new homes at congratulations po!

#LalawiganNgRizal
#TaasNooRizalenyo