Responsive image

YES Christmas Tree 2025 Pililla

Sa Pililla, hindi lang windmills ang standing tall, kumukutikutitap na rin ang kanilang YES Recycled Giant Christmas Tree!

Imagine: 455 na parol na sagisag ng 455 years ng Pililla, mula munisipyo, barangays, mga mag-aaral, CSOs, at mga TODA, lahat nag-ambag at tumulong. At ang materials? PVC pipes, food wrappers, lumang banig, PET bottles, pati water lily at tangkay ng mais, parang sinabihan 'yung mga materials na mag-glow up bigla.

Kaya naman bawat ilaw na kumikislap, hindi lang festive, may puso, may pagkakaisa, at may diwa ng YES. Dahil nga kung mahal tayo ng kalikasan, dapat mahalin din natin 'to pabalik.

Sa mga Pilillanon, punung-puno ng diwa ng Pasko ang kanilang "Parol ng Bayan." Sustainable na, stunning pa.

#YESGiantChristmasTree2025
#TatakPaskongRizalenyo
#LalawiganNgRizal
#TaasNooRizalenyo