Responsive image

Outpatient HIV/AIDS Treatment Forum

Isa sa mga patuloy nating pinalalakas sa lalawigan ang healthcare. Kaya masaya tayo na naging matagumpay ang naganap na Outpatient HIV/AIDS Treatment (OHAT) Forum kasama ang ating mga Municipal Health Offices, frontliners, at ang DOH. Mahalaga itong hakbang para mas maging maayos at magkakaugnay ang HIV/AIDS treatment sa buong Rizal. Naging bahagi rin ng event ang libreng HIV testing para mas mapalawak pa ang awareness at access sa maagang pagpapasuri.

Patuloy lang tayo sa pagsiguro na ang ating mga PLHIV ay hindi lang nabibigyan ng tamang gamutan, kundi pati suporta, pag-unawa, at maayos na pag-aaruga.

#LalawiganNgRizal
#TaasNooRizalenyo