
Alerto at handang rumesponde
Mas pinaigting natin ang kahandaan ng ating mga health workers at LGU personnel mula sa Angono sa pamamagitan ng Hands-only Basic Life Support CPR Training. Isang mahalagang hakbang ito para maging mabilis at epektibo ang pagresponde sa oras ng emergency.
Malaking bagay ang bawat natututuhan nating life-saving skill, dahil dumarami ang pagkakataong makapagligtas ng buhay ng ating kapwa. Sa tamang training, ang kaba puwedeng mapalitan ng kumpiyansa.
#LalawiganNgRizal
#TaasNooRizalenyo