Responsive image

Mahal na Birhen ng Antipolo

Viva La Virgen!

Sa loob ng apat na siglo, hindi na mabibilang ang mga hakbang ng pananampalataya na inakay ng Mahal na Birhen ng Antipolo. Ngayong araw, muling naging bahagi ang Rizal Provincial Capitol Grounds ng kanyang makasaysayang paglalakbay.

Habang ipinagdiriwang natin ang ika-400 taon ng kanyang pagdating at paggabay sa ating lalawigan, lalo nating pinagtitibay ang pananampalatayang nagbuklod sa mga Rizalenyo sa paglipas ng mga henerasyon. Kalakip din ng ating pasasalamat ang natanggap na commemorative stamp bilang bahagi ng pagdiriwang ng Jubilee Year, makabuluhang alaala ng biyaya at debosyon na pinanghahawakan natin.

Isang karangalan para sa Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal na makibahagi sa pagsalubong sa Mahal na Birhen ng Antipolo sa ngalan ng bawat Rizalenyo.

#BirhenNgAntipolo
#LalawiganNgRizal
#TaasNooRizalenyo