
Rizal Job Fair is happening NOW!
Kung naghahanap ng trabaho o panibagong career opportunity, sugod na sa ating Rizal Job Fair sa Ynares Event Center, na magtutuloy-tuloy HANGGANG 3PM. Dalhin lamang ang inyong updated resume.
Maraming salamat sa lahat ng employers, partner agencies, at pati na rin sa ating job seekers, na nakikiisa sa makabuluhang programang ito bilang pagdiriwang ng Ika-125 Araw ng Lalawigan ng Rizal. Sana maging simula ito ng mga bagong trabaho, mas magandang kinabukasan, at panibagong tagumpay para sa daan-daang Rizalenyo.
Tara na at mag-apply!
#LalawiganNgRizal
#TaasNooRizalenyo