Guided by faith, driven to serve
Masaya tayong maging bahagi ng makabuluhang pagtitipon ng mga kababayan natin mula sa iba’t ibang sektor para sa “Convergence of Inter-Faith BOC/MBSK Volunteers and Life Coaches in Transforming Our Society Toward Nation-Building.”
Pinangunahan ito ng Rizal Police Provincial Office (RPPO) katuwang ang Christians for Nation Building (C4NB) bilang hakbang para palakasin ang serbisyo publiko sa pamamagitan ng tamang pamumuno, malasakit, at pagkakaisa.
Mahalagang gabay sa pag-unlad ng ating lalawigan ang pananampalataya, mabuting asal, at tunay na malasakit sa kapwa. Sa pagtutulungan, mas mapapalapit tayo sa mas maayos, mas ligtas, at mas progresibong lalawigan.
#LalawiganNgRizal