Laging OO sa mga pangakong hindi kailanman binibigo!
Isang bagong yugto ng serbisyo ang muling sisimulan para sa ating minamahal na Lalawigan ng Rizal!
Sa panibagong terminong ito, muling pinagtitibay ang aming pangako: tapat at taos-pusong paglilingkod para sa bawat Rizalenyo.
Alam kong hindi ako nag-iisa sa misyong ito. Kasama natin ang mga kasapi ng Ika-31 Sangguniang Panlalawigan, ang mga Punong Bayan, ang mga Kinatawan mula sa apat na distrito at sa Lungsod ng Antipolo—at higit sa lahat, ang bawat Rizalenyong kaisa natin sa paghubog ng mas maunlad na kinabukasan.
Higit sa lahat, nais kong ipabatid ang taos-puso kong pasasalamat sa inyong lahat, minamahal kong mga kababayan, sa tiwala at suporta na patuloy ninyong ibinibigay sa amin. Sama-sama tayong magpapatuloy sa pagtahak sa landas ng kaunlaran.
Maaasahan ninyo ang tuluy-tuloy at tapat na paglilingkod para sa lalawigan ng Rizal.
Sama-sama. Nagkakaisa. Ipagpapatuloy natin ang marangal at karapat-dapat na paglilingkod-Rizalenyo!