Responsive image

108th Mandela Day

Masaya tayong makasama si South African Ambassador Bartinah Ntombizodwa Radebe-Netshitenzhe, sa pakikipagtulungan ng DIWATA Women in Resource Development INC., Tanay LGU sa pangunguna ni Mayor RM, at iba pang mga stakeholders, sa pagdiriwang ng ika-108th Nelson Mandela Day, na piniling idaos dito sa ating lalawigan sa Manggahan, Barangay Laiban, Tanay, Rizal.

Bilang bahagi ng programa, nakasama tayo sa pamamahagi ng school supplies sa mga mag-aaral ng Magata - Manggahan Elementary School. Bukod dito, naghatid din tayo ng food packs at hygiene kits para sa komunidad at sa ating mga kapatid na katutubong Dumagat.

Thank you, Ambassador Bartinah Ntombizodwa Radebe-Netshitenzhe at sa lahat ng ating mga katuwang sa pagpili sa Rizal bilang pagdarausan ng ika-108 na Nelson Mandela Day. Tulad ng kanyang sinabi, "Mandela Day is not about a single day of service; it is the spirit of kindness and compassion. Even the smallest act of kindness has the power to change someone's life." Tunay na ang diwang ito ay buhay sa puso ng bawat Rizalenyo.

#108thMandelaDay
#LalawiganNgRizal
#TaasNooRizalenyo