
SUCCESS! Matagumpay nating naihatid ang Project LAWA at BINHI payout sa ating mga kababayan sa Angono!
Malugod tayong nagbahagi sa ating 200 hard working beneficiaries sa Angono Gymnasium para sa distribution ng kanilang ‘cash for work’payout sa ilalim ng DSWD Risk Resiliency Program (RRP-CFTW). Pagkatapos ng 20 days nang puspusang pagtatrabaho na nakatutok sa environmental rehabilitation, water access, at food security sa kanilang bayan, bitbit na nila pauwi ang buong sweldo na nagkakahalaga ng PHP 11,200 bawat isa.
Ang programang ito ay patunay ng ating tuloy-tuloy na pagkilos sa ilalim ng ating adbokasiya at pagpapatupad nang pinaigting nating programa, ang YES Program. Simbolo ito ng ating patuloy na pagsuporta sa lahat ng Pamilyang Rizalenyo.
Isang malaking pagbati sa lahat ng mga benepisyaryo ng Angono at maraming salamat sa inyong sipag at dedikasyon! Sama-sama nating itaguyod ang isang mas matatag at luntiang lalawigan at taas noo Rizalenyong umusad nang may paninindigan.
#TaasNooRizalenyo
#LalawiganNgRizal