
Ang bawat bagong yugto ng paglilingkod ay isang pagkakataon upang patuloy na matuto, hubugin ang sarili, at maging mas handa sa mga hamon na maaaring dumating sa hinaharap.
Naniniwala akong sa pamamagitan ng pagtutulungan at mas matibay na ugnayan ng iba’t ibang sektor, mas mapapalawak natin ang ating kakayahang maglingkod—mula sa mga programa para sa kabataan, hanggang sa rescue, relief, at iba pang community response initiatives.
Patuloy tayong magkaisa, magtulungan, at maglingkod para sa ating kapwa at sa ating bansa.