
New opportunities, brighter futures.
Ayan ang nais natin maibigay sa 12 former rebels mula Antipolo, Cardona, Jalajala at Montalban na ngayon ay partner-beneficiaries natin sa pamamagitan ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) Assistance. Nakatanggap sila ng 8 welding packages, 2 vulcanizing packages, 1 carpentry package at 1 printing package... mga kagamitan na magsisilbing puhunan para sa kanilang bagong simula at mas maayos na kabuhayan.
Patuloy tayong committed sa pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa ating mga kalalawigan, pagsusulong ng pangmatagalang kabuhayan, at pagpapatibay ng kaunlaran sa bawat komunidad.
#LalawiganNgRizal
#TaasNooRizalenyo