Responsive image

129th Rizal Day

Ipinagdiriwang natin ang ika-129 na anibersaryo ng Rizal Day bilang pag-alala at pasasalamat sa buhay, sakripisyo, at mga aral ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal na hanggang ngayon ay patuloy pa ring nagbibigay-inspirasyon sa ating lalawigan.

Kasama ang Sangguniang Panlalawigan, Antipolo City Council, Pilgrimage Masonic Lodge No. 498, at mga Department Heads ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal at Antipolo, nagsagawa tayo ng isang simple pero makabuluhang wreath laying bilang pagkilala sa kanyang iniwang pamana.

Bilang Lalawigan ng Rizal, patuloy nating dadalhin ang kanyang pangalan sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng kanyang mga mithiin, tapang, at malasakit sa bayan.

#LalawiganNgRizal
#TaasNooRizalenyo