Responsive image

Governor's Cup Season 5 Champions

Tuluyan nang nasungkit ng Antipolo ang matamis na kampeonato ng ating Governor's Cup Season 5 matapos magtala ng 69 puntos kontra 55 ng Montalban sa ating championship game.

Nauna namang nakuha ng Binangonan ang ikatlong puwesto matapos ang kanilang panalo sa battle for third laban sa Cainta.

Congratulations Team Antipolo for being our champion this season! Isang pagbati rin para sa Montalban sa kanilang matatag na kampanya bilang runner-up. Bawi next season!

Sa kabilang banda, pinasasalamatan din ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal ang lahat ng koponang naging bahagi ng Governor's Cup Season 5 sa inyong sipag, tiyaga, at tunay na sportsmanship na nagbigay ng inspirasyon sa kapwa nating Rizalenyo lalo sa ating mga kabataan na nangangarap. Nagpatibay ito sa diwa ng pagkakaisa at ang inyong ipinakitang puso at dedikasyon ay tunay na dapat ipagmalaki.

#LalawiganNgRizal
#TaasNooRizalenyo