Tuwing Biyernes Santo, isa sa mga inaabangan sa Bayan ng Angono ay ang Estacion Mayor—isang tradisyon kung saan dinaraanan ang 14 na istasyon ng Krus na matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng bayan.
Bago pa sumikat ang araw, sabay-sabay na naglalakad ang mga deboto kasama ang pari at banda ng musiko. Taimtim na nagdarasal sa bawat istasyon sa harap ng pansamantalang altar na may larawan ng mga tagpo sa pagpapakasakit ni Hesus.
Isang kakaibang paraan ng pagbabalik-loob at pagninilay—hindi lamang sa loob ng simbahan, kundi sa mismong kalsada ng komunidad.
#SemanaSanta2025
#EstacionMayor
#LalawiganNgRizal