Responsive image

Graduation Batch 2024-2025

Mula sa pag-Moving Up hanggang sa pag-Moving Forward sa life—Batch 2024-2025, kayo ang pag-asa, inspirasyon, at karangalan ng inyong paaralan

Nakakataba ng puso na makasama at maging bahagi ng graduation ceremony ng mga mag-aaral na nagsipagtapos ngayong 2025, kasama ang kanilang mga proud parents at teachers!

Bagamat hindi man natin napuntahan ang lahat ng ceremonies sa buong lalawigan, katuwang naman natin ang mga board members at LGUs para iparating ang ating mensahe at buong pusong suporta para sa bawat kabataang Rizalenyo!

Ang inyong diploma ay hindi lang papel—simbolo ito ng inyong sakripisyo, pagsisikap, at pag-abot sa inyong mga pangarap.

Para sa lahat ng ating graduates—we are very proud of you! Sa susunod n’yong hakbang—sa mas mataas na antas ng pag-aaral o sa bagong landas ng buhay, dalhin niyo ang puso, sipag, at kabutihang-loob na likas sa isang Rizalenyo!

Patuloy lang sa pag-taas noo, kabataang Rizalenyo!