Responsive image

YES TO GREEN

(YNARES ECO SYSTEM)


YES BAMBOO PLANTING TULOY ANG PAG-ARANGKADA





Date Posted: January 26, 2022

Walang humpay ang pagtatanim ng mga kawayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal sa pangunguna ni Gob. Nini Ynares sa iba't ibang bayan sa probinsya. Tinungo naman ng YES Team ang Brgy. Iglesia, Cardona, Rizal at kaagapay na nagtanim sina Vice Gob. Junrey San Juan, Mayor Totoy Campo, Vice Mayor Gil Pandac, mga Konsehal, mga Kapitan, BHWs, Cardona Guardians at mga mamamayan ng Cardona. Nagpasalamat si Mayor Campo sa YES Program ng pamahalaan na umaagapay sa kanila sa pagtatanim upang maiwasan ang pagbaha sa lokalidad. Gayundin, pinasalamatan ni Vice Gob ang bayan ng Cardona at mga mamamayan nito sa patuloy na pagsuporta sa mga programang pangkalikasan ni Gob. Ynares na walang ibang hangad kundi mapangalagaan ang kapaligiran at maprotektahan ang mga mamamayan.

Back to Tree Planting Menu