Responsive image

YES TO GREEN

(YNARES ECO SYSTEM)


MUNICIPAL-WIDE TREE PLANTING SA BINANGONAN, TAGUMPAY





Date Posted: December 21, 2021

Sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal sa pamumuno ni Gob. Rebecca Ynares ay matagumpay na isinagawa ngayong araw ang Municipal-wide Bamboo Tree Planting sa bayan ng Binangonan. Bukod sa mas maraming oxygen na naibibigay ang mga puno ng kawayan, nakakatulong din itong patatagin ang mga lupa sa mga tabing ilog upang maiwasan ang pagguho (landslides) at sakuna. Dumalo sa ceremonial planting sina Vice Gob Junrey San Juan, Bokal Ato Bernardo, mga Konsehal, mga Kapitan at Ladies group ng Binangonan. Nagsimula ang province-wide bamboo tree planting nitong nakaraang linggo sa lungsod ng Antipolo at magtutuloy sa iba pang bayan sa probinsya.

Back to Tree Planting Menu