Responsive image

YES TO GREEN

(YNARES ECO SYSTEM)


SA ANTIPOLO, DOON AY MAGTANIM TAYO!





Date Posted: February 26, 2022

Hindi biro ang pagtatanim, pero para sa mga volunteers ng province-wide Bamboo Planting Activity ng YES Program, walang imposible! Sa pamumuno ni Gov. Nini Ynares, nagtungo naman ang ating YES Team sa Sitio Pangolorin, na nasa pagitan ng Brgy. San Jose at Brgy. Calawis sa lungsod ng Antipolo. Marami ang dumalo at nakiisa katulad nila Bokal Bobot Marquez, Kag. Domingo Baloloy, CEWMO, mga kawani ng Antipolo City Government, mga empleyado ng Brgy. San Jose at Brgy. Calawis, maging mga pribadong kumpanya kagaya ng Hardrock Aggregates, Gozon Development, Teresa Marble Corporation, Solid Cement/Cemex, at Frey-Fil Corporation. Napakahalaga ng proyektong ito sapagkat dito ay maiiwasan ang trahedya na maaaring idulot ng pagguho ng lupa o soil erosion. Sa pagtatanim rin ng kawayan ay mababawasan ang carbon footprint at kayang malabanan ang masasamang epekto ng global warming. Sa YES to Green, YES WE CAN!
#YESProgram
#YEStoGreen
#YESWeCan
#SaveThePlanet

Back to Tree Planting Menu