Responsive image

YES TO GREEN

(YNARES ECO SYSTEM)


RIZAL, PATULOY SA PAGTATANIM NG KAWAYAN PARA SA MAS LIGTAS NA PAMAYANAN





Date Posted: July 26, 2022

RIZAL, PATULOY SA PAGTATANIM NG KAWAYAN PARA SA MAS LIGTAS NA PAMAYANAN - Ito ang mensaheng hatid ni Governor Nina Ricci Ynares ng Rizal sa kanyang pagbati at pakiisa sa isinagawang bamboo planting ng bayan ng Cardona, bilang bahagi ng selebrasyon ng National Disaster Resilience Month, at pagpapakita ng patuloy na suporta sa YES Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal. Ang pagtatanim ng karagdagang 200 bamboo saplings ay pinangunahan ni Mayor Jun San Juan, kasama ang YES Team, mga empleyado ng munisipyo at barangay, kapulisan at mga mamamayan ng Cardona. Nagpasalamat si Gov. Nina sa patuloy na suporta ng bawat bayan at mga mamamayan sa YES Program.

Back to Tree Planting Menu