Responsive image

YES TO GREEN

(YNARES ECO SYSTEM)


YES CHRISTMAS TREE IN ANTIPOLO





Date Posted: November 24, 2023

Nagmistulang The Little Mermaid with Finding Nemo ang peg ng ating pinailawang YES Christmas Tree ng Antipolo City. Nagliliwanag na mga decoration na may temang under the sea ang kanilang mala-coral na Christmas tree na sinamahan pa ng water fountain show na bubungad sa mga bibisita sa Sumulong Park. There's more! Dahil under the tree, may mala-ocean park experience ang mga bisita dahil may aquarium set-up with live fishes din. Perfect para sa ating mga kids. Syempre hindi kumpleto ang under the sea experience kung wala si Ariel… Pero dahil papalapit na rin ang Pasko, ibang Ariel (hindi yung mermaid ah) kundi si Ariel Rivera ang ating nakasama at humarana sa mga taga-Antipolo sa pagbubukas ng kanilang YES Christmas Tree! Damang dama na ang pasko dito sa Antipolo, malamig na simoy ng hangin, masaya at maliwanag na tanawin ang makikita natin. Finally, nakumpleto na nating mapailawan ang lahat ng Christmas Tree all over the province. PASKO NA! Advance Merry Christmas to all and may we celebrate the spirit of Christmas by giving love and loving one another. Ipadama natin sa bawat isa ang #PaskongRizalenyo!
#TAASNOORIZALENYO
#PaskoSaRizal
#PaskongRizalenyo
#YESChristmasTree2023

Back to Activities Menu