Responsive image

YES TO GREEN

(YNARES ECO SYSTEM)


Truck ng Tagumpay






TRUCK NG TAGUMPAY - Kampeon ang bawat Rizaleño sa katatapos lang na pagdiriwang ng 8th Anniversary ng YES to Green Program. Pinagkalooban ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal sa pamumuno ni Governor Rebecca Ynares ang lahat ng munisipyo at lungsod ng kani-kaniyang YES Garbage Truck bilang pagkilala sa kanilang magandang performance at buong suporta sa programa sa nakaraang taon kahit na may pandemya. Hinamon ng butihing Governor ang mga punong bayan ng 13 bayan at 1 lungsod na ipagpatuloy ang pagsulong ng mas malinis, luntian at ligtas na kapaligiran tungo sa mas maunlad at malusog na mga mamamayan ng Rizal. Masaya at taus-pusong nagpasalamat ang mga mayor sa mga bagong garbage trucks at nangakong tutugon sa panawagan ng ina ng lalawigan. Ang seremonya ay dinaluhan ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, YES Team at iba pang opisyal ng pamahalaang panlalawigan.
#YEStoGreen

Back to Activities Menu