Responsive image

YES TO GREEN

(YNARES ECO SYSTEM)


YES RECYCLED CHRISTMAS TREE LIGHTING CEREMONY SA TERESA





Date Posted: November 5, 2021

Makulay at masaya ang ginanap na YES Recycled Christmas Tree Lighting Ceremony ng Teresa, Rizal, kasabay ang fireworks display. Pinangunahan ni GSIS Trustee Nina Ynares, na kumatawan kay Governor Ynares, ang pagpapailaw ng Christmas Tree na gawa sa face shield acetate, straw, coconut husks, at iba pang recyclable materials na layong gisingin ang kamalayan ng mga mamamayan na pwedeng pakinabangan ang mga bagay na dati ay itinatapon lamang. Sa kanyang mensahe, binanggit ni Trustee Nina Ynares ang hangad niya ang isang ligtas at masayang Pasko ng bawat Rizaleño ngayong panahon ng pandemya at magagawa ito kung ang lahat ay magpapabakuna at patuloy na susunod sa mga health protocols. Dumalo rin sa pagpapailaw sina Vice Governor Junrey San Juan, Bokal Tanjuatco at Mayor Palino gayundin ang bumubuo ng Sangguniang Bayan, Barangay Captains, Department Heads, YES Team, iba pang mga panauhin at mga mamamayan ng Teresa.

Back to Activities Menu