Responsive image

YES TO GREEN

(YNARES ECO SYSTEM)


HIGANTENG RECYCLED CHRISTMAS TREE NG JALAJALA INILAWAN





Date Posted: November 24, 2021

Pagmamahalan, pagkakaisa at pangangalaga sa Inang Kalikasan ang hatid na mensahe sa pagpapailaw ng Recycled Christmas Tree ng Jalajala ayon kay Gob. Rebecca Ynares. Ang Recycled Christmas Tree ng Jalajala ay gawa sa mga gamit nang sawali, kutsara, bote at iba pang bagay na gawa sa plastik. Matitingkad at makukulay na paalala ang mga ito na ang mga basurang dati-rati’y itinatapon ay maaaring pakinabangan at magsilbing dekorasyon pa. Dumalo sa pagpapailaw sina Vice Gob. Junrey San Juan, Bokal Dino Tanjuatco, Jalajala Mayor Elmer Pillas, Sangguniang Bayan, Sangguniang Barangay, Yes Team, at mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Jalajala.

Back to Activities Menu