Responsive image

YES TO GREEN

(YNARES ECO SYSTEM)


PINAILAWAN NA ANG YES RECYCLED CHRISTMAS TREE SA RIZAL, HUDYAT NG KAPASKUHAN





Date Posted: November 14, 2022

Masaya at makulay ang naging pagpapailaw ng YES Recycled Christmas Tree sa Kapitolyo ng Rizal kamakailan sa pangunguna ni Gov. Nina Ricci Ynares, mga opisyales at kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal. Ang taunang Recycled Christmas Tree Lighting ay hudyat din ng Kapaskuhan sa buong lalawigan dahil sa bawat bayan ay isinasagawa ang masayang okasyong ito. Ang recycled Christmas Tree na gawa sa recycled materials tulad ng plastic bottles, cups, papers at iba pa ay simbolo rin ng ating pangangalaga at pagmamahal sa Inang Kalikasan. Sa susunod na taon inaasahang magbabalik na rin ang tiangge at fun rides sa loob ng Kapitolyo na tiyak na magdudulot ng kasiyahan sa mga pamilya, magkakaibigan at iba pang bisita ng Kapitolyo.

Back to Activities Menu