Responsive image

PAGSASAAYOS NG BARKADAHAN BRIDGE AT HIGHWAY 2000

Binalikan nina Governor Nini Ynares, Mayor Gacula at DPWH District Engineers ang Barkadahan Bridge at Highway 2000 sa Manggahan Floodway, Taytay upang masiguro na matatapos ang proyekto nang mas maaga kaysa sa deadline nito. Ipinag-utos din ni Gov. Nini sa DPWH na buksan na at ipagamit ang bahagi ng kalsadang tapos na upang mapakinabangan ng mga motorista.