Responsive image

MANILA BAYANIHAN PARA SA KALINISAN

Isa sa panauhing pandangal si Gob. Nini Ynares sa paglulunsad ng Manila Bayanihan para sa KALINISAN na ginanap sa Event Center ng SM City Taytay. Ang aktibidad ay pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at sinuportahan ng lalawigan ng Rizal, na naglalayong gisingin ang kamalayan ng mga mamamayan at lahat ng sektor na makiisa at tumulong sa pangangalaga ng kalinisan ng Manila Bay. Ang tema ng aktibidad ay, "Lalawigan ng Rizal, Kasama Ka sa Pangangalaga ng Manila Bay." Si Gob. Ynares ay ang arkitekto ng YES to Green Program na may layuning pangalagaan at protektahan ang kalikasan.