Responsive image

KAKAIBANG PROGRAMA SA NUTRISYON, ISINAGAWA SA RIZAL

Rizal Governor Rebecca Ynares initiates the inter-agency meeting with the Department of Public Works and Highways (DPWH) led by Montalban, Rizal – Pinangunahan kamakailan ni Rizal Governor Rebecca Ynares ang isinagawang programa sa nutrisyon na itinuturing na kakaiba dahil sa konsepto at kumpletong mga gawain, upang labanan at aksyunan ang malnutrisyon sa lalawigan.
Sa unang programa ngayong taon na ginanap sa Eulogio Rodriguez Elementary School (ERES), 652 na wasted at severely wasted na mga mag-aaral ang pinakain nang masustansyang pagkain na niluto at inihanda ng kanilang mga magulang na sumailalim sa pagsasanay sa pagluluto at paggamit ng tamang sangkap. Bukod sa proper nutrition, ang bawat magulang ng mga mag-aaral na kasama sa Feeding Program ay lumahok din sa lectures tungkol sa oral health care, kahalagahan ng breastfeeding at personal hygiene.
Iminulat din sa mga magulang na maaaring makapaghanda ng masustansyang pagkain sa murang halaga lamang dahil sa puwedeng magtanim ng mga gulay sa kani-kanilang tahanan. Kaya nga kasama sa programang ito ang kahalagahan ng urban/container gardening at composting, seedling preparation at waste management.
Total Package wika nga ang programang ito ni Governor Ynares na may kasama ding konsultang medikal at libreng gamot at bunot ng ngipin. Para sa mga bata, meron ding Operation Patak ng Vitamin A at pagpurga (deworming).
“Tunay na pinahahalagahan po natin ang wasto at tamang nutrisyon ng ating mga kababayan, lalo na ang mga kabataan at mga magulang. Kaya po lalo nating paiigtingin ang YES To Nutrition Program upang labanan ang malnutrisyon sa ating lalawigan,” pahayag ni Governor Ynares.